Kumpiyansa si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Suharto T. Mangudadatu na mas maraming oportunidad para sa multi-skilled workers na makahanap ng trabaho.
Kaya naman patuloy nitong hinihimok ang publiko na kumuha ng vocational education trainjng para maging isang multi skilled worker.
Paliwanag ni Mangudadatu na ang pagiging multi-skiled worker ay maraming bentahe, isa na rito ang kapasidad na maitalaga sa iba’t ibang industriya depende sa panahon.
Pubto pa ng opisyal, depende sa skill ng isang indbidwal ay maari itong makalipat ng sektor at doon makahanap ng bagong oportunidad, liban pa sa hindi basta-basta matatanggal sa trabaho ang isang multi skilled worker sa oras na magkaroon ng layoff dahil sa dami nitong alam na gawin.
Paanyaya ng TESDA maaring mag-register sa tesda.gov.ph o pumunta sa pinakamalapit na TESDA office sa kanilang lugar. | ulat ni Lorenz Tanjoco