Patuloy ang ginagawang hakbang ng Tourism Promotions Board sa pagpapakilala ng ating bansa sa international market, upang mas marami pang mga dayuhan ang magtungo sa bansa.
Sa kanyang naging talumpati sa International Tourism Board sa Berlin Germany, sinabi ni Tourism Promotions Board Chief Margarita Nograles, na ipinakita nito ang mga ginagawang hakbang ng ating bansa lalo na sa mga ipinagmamalaking mga tourism sites sa Pilipinas.
Kaugnay nito ani ni Nograles, naging maganda ang naging resulta sa pagdalo ng deligado ng Pilipinas sa International Tourism Board sa Berlin kung saan maraming mga dayuhan ang nais tumungo sa Pilipinas, dahil sa magandang presentasyon ng Department of Tourism sa naturang event.
Sa huli nagpasalamat naman si Nograles sa mainit na pagtanggap sa ating bansa sa naturang international tourism event sa Germany. | ulat no AJ Ignacio