Nirerekomenda ni Senador Raffy Tulfo na ilista online ang mga benepisyaryo ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) o ang “Tuition Subsidy” program ng Department of Education (DepEd).
Minungkahi ito ng senador matapos mapag alaman sa isang pagdinig sa Senado na aabot sa 12,675 ang mga ghost beneficiaries na hindi dapat nakatanggap ng pera mula sa DepEd at umanot sa 300 million pesos ang nawala sa gobyerno dahil dito.
Giit ni Tulfo, dapat magkaroon ng transparency para maiwasan na ang pagkakaroon ng ‘ghost beneficiaries’ o mga pekeng benepisyaryo.
Pinunto ng senador na sa ngayon kasi ay tanging ang Deped at ang Private Education Assistance Committee (PEAC) lang ang nakakaalam ng listahan ng mga estudyanteng binibigyan ng tuition subsidy kaya malapit ito sa korapsyon sa pamamagitan ng mga ghost beneficiaries.
Minumungkahi rin ni Tulfo ang pagsusumite ng Deped ng financial statement ng PEAC sa Commission on Audit (COA). | ulat ni Nimfa Asuncion