Pinangungunahan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at Philippine Coast Guard (PCG) Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr. ang pag-inspeksyon sa Manila North Port Passenger Terminal ngayong Lunes Santo.
Sa tala ng PCG Command Center mula hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga kanina, humigit-kumulang 50,000 inbound at outbound na mga pasahero ang naitala sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.
Bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024, mahigit 3,000 tauhan ng PCG ang idineploy sa 15 distrito nito.
Nakaalerto naman ang PCG at mga istasyon at sub-station, simula March 24 hanggang March 31 upang umalalay sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.
Para sa mga katanungan at concern kaugnay sa sea travel protocols ngayong Mahal na Araw maaaring makipag-ugnayan sa Facebook page ng PCG o kaya ay tumawag sa Coast Guard Public Affairs Service sa numero na 0927-560-7729. | ulat ni Diane Lear
Photos: PCG