Kasado na ang tulong mula sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa para sa mga residente na apektado ng sunog na sumiklab kahapon, ika-17 ng Marso.
Ayon kay Christine Abas Ding, barangay captain ng naturang lugar, nakahanda na ang city government para umalalay sa mga naapektuhan ng sunog kahapon.
Aniya, bukod sa hot meals ay nagdagdag din sila ng tent para sa mga residente na talagang natupok ang bahay.
Nasa 700 kasi na mga pamilya at 200 na kabahayan ang apektado sa apat na komunidad sa nasabing barangay.
Matatandaang umabot sa limang oras ang sunog dahil sa hirap makadaan ang mga fire truck papunta sa target area.
Sa ngayon, kasalukuyang tumutuloy ang ilang residente sa Alabang Elementary School at posible pang magdagdag ng evacuation center ang nasabing lungsod para ma-accommodate ang lahat ng residente. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Muntinlupa LGU