Nakatakdang i-anunsyo ng pamahalaan ang tuluyang pagbuwag sa dalawang napahinang New Peoples Army Guerilla Front (GF) sa Visayas at isa sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. sa regular na pulong balitaan ng NTF-ELCAC ngayong umaga.
Ayon kay Usec. Torres, dahil dito, walo na lang ang matitira sa 11 napahinang GF na kasalukuyang nalalabi sa buong bansa.
Nilinaw naman ni Usec. Torres na ang pagbuwag ng GF ay nangangahulugan ng pag-dismantle ng kanilang istrakturang pampulitika at kakayahang makalikom ng pondo, pero maaaring meron pa ring mangilan-ngilang nalalabing armadong miyembro.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Usec. Torres na “attainable” ang misyon ng militar na tuluyan nang buwagin ang lahat ng istraktura ng NPA sa bansa bago matapos ang taon. | ulat ni Leo Sarne