Iniulat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na naaresto ng mga awtoridad ang “consignee” ng package na naglalaman ng P20.4 milyong pisong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, Marso 25.
Kinilala ni PDEG Director Police Brig. Gen. Dionisio Bartolome Jr. ang suspek na si Tammy Bagatao, a.k.a. Joseph Manasseh Acogido, 51.
Inaresto ang suspek ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City bandang alas-5 ng hapon kahapon.
Narekober sa suspekang 3-self sealing transparent plastic pouch na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang 3 kilo na nagkakahalaga ng P20.4 milyon at tatlong magkakaibang ID
Ang suspek at ang narekober na ebidensya ay dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Office para sa dokumentasyon. | ulat ni Leo Sarne
📷: PDEG