Inilunsad ng United Nations Development Programme (UNDP) at Department of Transportation (DOTr) ang solar-powered electric vehicle charging station sa Pasig City.
Ito ay bahagi ng hakbang na maisulong ang Low Carbon Transport Systems sa Pilipinas na proyekto ng dalawang institusyon.
Isinagawa ang aktibidad sa Pasig Kabuhayan Center na dinaluhan ng ilang kinatawan ng UNDP at ilang opisyal ng DOTr, kasama si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ayon sa UNDP, makatutulong sa mga pampasaherong e-trike, e-quad, at e-bike sa lungsod ang nasabing electric vehicle charging station.
Bukas din ang pasilidad para sa publiko na mayroong sariling e-vehicles gaya ng e-scooter. Maaari rin ito gamitin ng mga electric cars, SUVs at iba pa para sa regular charging.
Pinuri naman ni Sotto ang bagong pasilidad na aniya mahalaga sa mga inisyatibo ng lungsod kaugnay sa renewable energy.
Tiniyak naman ng Pasig LGU na patuloy na isusulong ang sustainable future para sa mga Pasigueno.| ulat ni Diane Lear