Nanindigan si US Secretary Anthony Blinken sa kanilang posisyon sa patuloy na paghaharass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Secretary Blinken, kanilang kinokondena ang patuloy na panghaharass ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas partikular sa ressupply mission sa Ayungin Shoal.
Kaugnay nito, paiigtingin ng Estados Unidos ang kanilang defense cooperation sa Pilipinas upang mas mapataas ang kapasidad ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kabilang na ang mga millitary exercises nito sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio