Nakatakdang bumisita si US Secretary of State Anthony Blinken sa bansa sa March 18 hanggang 19.
Sasalubungin si Blinken ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung saan inaasahang pag-uusapan ng dalawa ang bilateral ties at mga commitment nito sa isa’t isa para mapalakas ang interes ng dalawang bansa.
Ilan sa mga pag-uusapan ay tungkol sa trade at ekonomiya kung saan layon na mas mapalakas ito at tuluyang mapagyabong.
Inaasahan ding tatalakayin ng dalawang kalihim ang bilateral cooperation na may kaugnayan sa mga issue sa rehiyon.
Ang pagdalaw ni Blinken sa bansa ay matapos ang matagumpay na US Presidential Trade and Investment. | ulat ni Lorenz Tanjoco