Nagpasiya ang Sol-Go Inc., isang kumpaniya na base sa Silicon Valley sa Estados Unidos na itatag ang kanilang bagong pabrika ng solar panel sa Pilipinas kaysa sa mga manufacturing giants tulad ng China at Vietnam.
Ayon sa CEO nito na si Scott McHugo, tiwala ito sa bansa kaya nito napiling dito itayo ang kanilang bagong pabrika, kung saan may presensiya na ang Sol-Go magmula pa noong 2014.
Isang pabrika na rin nito ang nag-o-operate sa export zone ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa Batangas na nagsimula nang unang bahagi ng taon.
Target rin ng nasabing US company na triplehin ang workforce at production capacity nito ngayong taon mula sa investment mula sa mga Pilipino at Estados Unidos.
Natuklasan din ng Sol-go na mas cost-effective ang pag-manufacture sa bansa kumpara sa China kaya naman handa pa itong mag-invest ng $500,000 para sa kanilang operasyon sa bansa ngayong taon at karagdagan pang $5 million upang maabot ang maximum capacity nito sa loob ng dalawang taon.
Target naman i-export ang mga high-tech Philippine-made solar panels sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad sa US, Canada, Europa, Middle East, Malaysia, at Indonesia.| ulat ni EJ Lazaro