Nagsanib pwersa ang Commission on Elections (Comelec) at Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagbibigay ng tamang kaalaman tungkol sa eleksyon.
Inilunsad ng COMELEC ang voter education and registration fair sa Rizal Technological University (RTU) ngayong araw.
Ito ay pinangunahan ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia at Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr.
Sa mensahe ni Chairman Garcia, sinabing nitong layon nilang imulat ang mga kabataan sa kahalagaan ng pagboto.
Naniniwala kasi sila na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Paliwanag nya, gagawin ng COMELEC ang lahat para makapagparegistro at makaboto ang nakararaming mga Pilipino.
Kaya naman inilalapit nila sa mga paaralan, pribadong sektor at mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang Register Anywhere Program o RAP.
Maliban sa RAP, ibinida ni Garcia ang ginagawang mall voting ng COMELEC na mas madaling paraan ng pagboto.
Payo naman ni Garcia sa mga estudyante, maging matalino sa pagboto.
Dapat anyang bumoto base sa konsensya at hindi base sa kasikatan sa social media. | ulat ni Diane Lear