Inaasahang magiging epektibo na sa Lunes, Marso 25 ang bagong diskwento ng mga senior citizen at persons with disabilities sa mga grocery item.
Ayon kay DTI Asec. Amanda Marie F. Nograles, pirmado na kasi ng DTI kasama ang DA at DOE ang isang joint administrative order na nagtataas sa ₱125 weekly discount ng mga grocery items na bibilin ng mga lolo at lola gayundin ang mga PWD mula sa dating ₱65.
Matatandaang umani ng samu’t saring batikos ang maliit na discount para sa mga senior sa House of Representatives liban pa sa pahirapan ang pagkuha nito.
Dito na nag-ugat ang panawagan na itaas ang diskwento para sa mga lolo at lola kung saan inaasahan na magiging epektibo sa susunod na linggo. | ulat ni Lorenz Tanjoco