DepEd, binuksan na ang National Science and Technology Fair 2024 sa Parañaque City

Opisyal nang binuksan ng Department of Education (DepEd) ang National Science and Technology Fair 2024 sa Sequoia Hotel, Parañaque City. Layon ng programa na mapabuti ang research skills ng mga mag-aaral gaya ng critical thinking, problem-solving, gayundin ang innovation at creativity. Tampok sa patimpalak ang 120 science projects ng mahigit 200 student-researchers mula sa 16… Continue reading DepEd, binuksan na ang National Science and Technology Fair 2024 sa Parañaque City

South Korea, lumagda ng free trade agreement sa Pilipinas para sa patuloy na pag-export ng iba’t ibang prutas – DTI

Lumagda ng Free Trade Agreement sa Pilipinas ang bansang South Korea sa para sa patuloy na pag-export ng iba’t ibang prutas mula sa ating bansa. Ayon kay trade Sec. Alfredo Pascual, laman ng naturang free trade agreement ay ang pag-aalis ng tariff collection ng Korea sa exported fruits tulad ng saging at pine apple na… Continue reading South Korea, lumagda ng free trade agreement sa Pilipinas para sa patuloy na pag-export ng iba’t ibang prutas – DTI

Pagpapatupad ng adjustment sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong tag-init, case-to-case basis – Health Sec. Herbosa

Ipinapaubaya na ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa Department of Education (DepEd) at sa mga paaralan ang pagdedesisyon tungkol sa pagpapatupad ng blended learning. Ang pahayag na ito ni Herbosa ay kasunod ng rekomendasyon ni Senador Sherwin Gatchalian na magpatupad na ng blended learning dahil sa init ng panahon. Sa panayam sa… Continue reading Pagpapatupad ng adjustment sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong tag-init, case-to-case basis – Health Sec. Herbosa

Ambulansyang pumasok sa EDSA Busway at ilan pang hindi awtorisadong mga sasakyan, huli sa operasyon ng DOTr-SAICT

Patuloy ang isinasagawang operasyon ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa EDSA Busway, ngayong araw. Kaugnay nito, huli ang isang driver ng ambulansyang naka-wang-wang at nagtangkang lumusot sa busway dahil magsusundo umano ito ng pasyente. Kinalaunan ay umamin ang driver na nais lamang nitong umiwas sa trapiko sa EDSA. Ang… Continue reading Ambulansyang pumasok sa EDSA Busway at ilan pang hindi awtorisadong mga sasakyan, huli sa operasyon ng DOTr-SAICT

Sen. Gatchalian, nanawagang magpatupad ng blended learning ang mga paaralan sa gitna ng banta ng pertussis at mainit na panahon

Inirerekomenda ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa mga paaralan na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba sa pertussis o whooping cough at mainit na panahon. Ipinaalala ni Gatchalian, na may otoridad ang mga punong-guro ng mga paaralan na magpatupad ng blended learning lalo’t may banta sa kaligtasan… Continue reading Sen. Gatchalian, nanawagang magpatupad ng blended learning ang mga paaralan sa gitna ng banta ng pertussis at mainit na panahon

DOE, nagpaalala sa umiiral na price freeze para sa mga lugar nasa state of calamity dahil sa pertussis at El Niño

Nagpaalala ang Department of Energy (DOE) hinggil sa umiiral na price freeze para sa Liquified Petrolium Gas (LPG) at kerosene sa mga lugar na kasalukuyan isinailalim sa state of calamity dahil sa out break ng petrussis sa bansa. Ayon sa DOE kabilang ang lugar ng Iloilo City, probinsya ng Cavite at San Andres, Romblon na… Continue reading DOE, nagpaalala sa umiiral na price freeze para sa mga lugar nasa state of calamity dahil sa pertussis at El Niño

Payo ni Garin sa mga kababaihan tungkol sa pagsusuot ng underwear ngayong tag-init, sinang-ayunan ni Herbosa

Sinang-ayunan ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang naging payo ni dating DOH Secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa mga kababaihan tungkol sa pagsusuot ng underwear ngayong tag-init. Una na kasing sinabi ni Garin na kung nasa bahay lang naman ay huwag na aniyang magsuot ng underwear para maiwasan… Continue reading Payo ni Garin sa mga kababaihan tungkol sa pagsusuot ng underwear ngayong tag-init, sinang-ayunan ni Herbosa

Sen. Estrada, giniit na walang humahadlang sa mga LGU at eskwelahan na magpatupad ng blended learning ngayong tag-init

Binigyang diin ni Senador Jinggoy Estrada na walang pumipigil sa mga lokal na pamahalaan at sa mga school heads na magpatupad ng blended learning o distance learning dahil sa sobrang init ng panahon. Pinunto ng senador na mayroon nang inilabas na ang Department of Education (DepEd) na Department Order No. 44 Series of 2022 tungkol… Continue reading Sen. Estrada, giniit na walang humahadlang sa mga LGU at eskwelahan na magpatupad ng blended learning ngayong tag-init

Health Sec. Teodoro Herbosa, sinabing hindi na nakakapagtala ng pagtaas ng pertussis case sa bansa

Ibinahagi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na nagpla-plateau o hindi na nakapagtatala ng pagtaas ng kaso ng pertussis o whooping cough sa bansa. Sa kabila nito ay tiniyak ni Herbosa na patuloy pa rin ang pagmo-monitor ng kanilang regional epidemiology surveillance unit sa naturang sakit. Ayon sa kalihim, mula Enero hanggang Marso 23, 2024 ay… Continue reading Health Sec. Teodoro Herbosa, sinabing hindi na nakakapagtala ng pagtaas ng pertussis case sa bansa

Sen. Poe, muling nanawagan sa mga water provider na tiyakin ang zero water interruption ngayong tag-init

Pinatitiyak ni Senate Committee on Public Services chairperson Sen. Grace Poe sa mga water concessionaire na patuloy ang pagseserbisyo nila sa kanilang mga customer. Ayon kay Poe, ito ay para na rin maiwasan ang outbreak ng mga sakit na idudulot ng kakulangan ng tubig at matinding init. Giit ng senadora, dapat siguruhin ng mga water… Continue reading Sen. Poe, muling nanawagan sa mga water provider na tiyakin ang zero water interruption ngayong tag-init