Mga pasyenteng may pertussis o whooping cough, maaaring makapag-avail ng mga benepisyo ng PhilHealth

Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maaaring makapag-avail ng mga benepisyo ang mga pasyenteng may pertussis o whooping cough. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr., na aabot sa P13,000 hanggang P19,000 ang benepisyo. Kabilang din dito ang Konsulta Package at mga gamot gaya ng ilang antibiotic… Continue reading Mga pasyenteng may pertussis o whooping cough, maaaring makapag-avail ng mga benepisyo ng PhilHealth

GeoRiskPH, inisyatibong binuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang paghandaan ang mga posibleng sakunang kahaharapin ng bansa

Bumuo ng GeoRisk Philippines (GeoRiskPH) ang iba’t ibang kawani ng gobyerno, sa pangununa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology upang paghandaan ang mga posibleng sakunang kahaharapin ng bansa. Sa naging panayam ng Radyo Pilipinas 3, ipinaliwanag ni DOST-PHIVOLCS Supervising Science Research Specialist Mabelline Cahulogan na layon ng GeoRiskPH na mas mapadali ang data collection,… Continue reading GeoRiskPH, inisyatibong binuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang paghandaan ang mga posibleng sakunang kahaharapin ng bansa

Sapat na pondo para sa pagpapatupad ng Teaching Supplies Allowance Act, pinasisiguro

Pinasisiguro ng isang mambabatas na mahanapan ng pondo ang pagpapatupad ng Teaching Supplies Allowance oras na malagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ganap na batas. Ayon kay Quezon Representative Reynan Arrogancia, isa sa mga may-akda ng panukala, oras na maisabatas mula sa kasalukuyang P3,500 na tinatawag na ‘chalk allowance’ ay magiging P7,500… Continue reading Sapat na pondo para sa pagpapatupad ng Teaching Supplies Allowance Act, pinasisiguro

Pamamahagi ng cash aid sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad sa Davao Region, nagpapatuloy pa ayon sa DSWD

Tuloy pa ang pamamahagi ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng shear line at low-pressure area sa Davao region noong Enero 2024. Isinasagawa ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Emergency Cash Transfer program ng ahensya. Sa ngayon, umabot na sa 86,724 benepisyaryo mula sa… Continue reading Pamamahagi ng cash aid sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad sa Davao Region, nagpapatuloy pa ayon sa DSWD

Pagkumpleto ng transmission projects ng pamahalaan, minamadali na ng Marcos Administration

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinabibilis na ng pamahalaan ang mga sistema nito, upang mas maagang maisakatuparan ang mga energy infrastructure project ng gobyerno. Paliwanag ng Pangulo, marami kasi sa mga programa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), matagal na panahon nang naantala. Ito ang dahilan kung bakit minamadali na… Continue reading Pagkumpleto ng transmission projects ng pamahalaan, minamadali na ng Marcos Administration

Pangulong Marcos Jr., ipinangako ang paglagda sa Negros Island Region Act, na layong palakasin at paunlarin ang rehiyon

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging ganap na batas ang Negros Island Region (NIR) Act, na layong pag-isahin ang mga probinsya ng Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor, bilang isang administrative region.  “Yeah, I think, I will sign it,” -Pangulong Marcos. Paliwanag ng Pangulo, batid niya na mahirap para sa Oriental na… Continue reading Pangulong Marcos Jr., ipinangako ang paglagda sa Negros Island Region Act, na layong palakasin at paunlarin ang rehiyon

Pagdideklara ng National State of Calamity dahil sa El Niño, hindi kailangan- Pangulong Marcos Jr.

Hindi nakikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na magdeklara ng National State of Calamity dahil sa nararanasang El Niño sa bansa. Paliwanag ng Pangulo, bagamat lahat ng lugar sa bansa ay maaapektuhan ng tagtuyot, iba-iba naman ang lebel ng pinsala o epekto na iniiwan ng El Niño sa bawat lugar sa Pilipinas.… Continue reading Pagdideklara ng National State of Calamity dahil sa El Niño, hindi kailangan- Pangulong Marcos Jr.

Mga Pilipinong nasugatan matapos ang tumamang magnitude 7.2 na lindol sa Taiwan, umabot na sa siyam

Patuloy na nakabantay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Taiwan matapos ang tumamang magnitude 7.2 na lindol noong Miyerkules. Batay sa pinakahuling ulat ng DMW, umabot na sa siyam ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang nasugatan dahil sa malakas na pagyanig. Ayon sa DMW, ang lahat… Continue reading Mga Pilipinong nasugatan matapos ang tumamang magnitude 7.2 na lindol sa Taiwan, umabot na sa siyam

Resulta ng Pulse Asia survey tungkol sa panukalang Cha-cha, ikokonsidera ng Senado – SP Zubiri

Binahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magkakaroon pa ang Senado ng tatlong pagdinig sa labas ng Metro manila bago magdesisyon ang Senate Subcommittee on Constitutional Amendment kung tatapusin na ang mga pagdinig tungkol sa panukalang economic charter change (Cha-cha). Ayon kay Zubiri, kinokonsidera rin nila ang resulta ng Pulse Asia survey na nagsasabing… Continue reading Resulta ng Pulse Asia survey tungkol sa panukalang Cha-cha, ikokonsidera ng Senado – SP Zubiri

Sen. Estrada, umapela sa mga employer na magbigay ng dagdag insentibo at benepisyo para sa mga manggagawa ngayong tag-init

Nanawagan si Senate Committee on Labor chairman Sen. Jinggoy Estrada sa mga employer na magbigay konsiderasyon sa kanilang mga empleyado kaugnay ng kanilang mga working schedule ngayong napakainit ng panahon. Ayon kay Estrada, bagamat pinagpapasalamat niya ang inilabas na kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) o ang DOLE advisory no. 17-2022 ay dapat… Continue reading Sen. Estrada, umapela sa mga employer na magbigay ng dagdag insentibo at benepisyo para sa mga manggagawa ngayong tag-init