Nasa $100 billion na pamumuhunan ang tinatayang papasok sa Pilipinas sa susunod na limang taon.
Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose ” Babes” Romualdez sa panayam ng Philippine Media delegation sa Washington.
Pagbibigay diin ni Romualdez, hindi sila ang nagbigay ng nasabing projection kundi ang mga potensiyal na investors mismo, hindi lamang sa Amerika kundi pati na sa Japan.
Ang mga investments na ito sabi ni Romualdez ay nasa linya ng semi- conductor business na doon pa lang ay maaari ng umabot sa 80 billion dollars.
Bukod sa semi-conductors ay kasama rin ang solar panels at nuclear energy na potential investments na maaaring pumasok sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar