Makasaysayan ang magiging takbo ng BALIKATAN Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika para sa taong ito.
Ito’y dahil sa lalahok din sa kauna-unahang pagkakataon ang nasa 100 puwersa ng French Navy.
Partikular na lalahukan ng French Navy ang Field Training Exercise gayundin sa iba pang at-sea events.
Bukod pa iyan sa 150 tauhan mula naman sa Australian Defense Force na susuporta naman sa Field Training Exercise at Humanitarian Civic Assistance.
Kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng pagsasanay ay ang mga sakop ng Northern Luzon Command, Western Command at Southern Luzon Command.
Nabatid na ito ang itinuturing na isa sa mga pinakamalaking BALIKATAN Exercise sa pagitan ng Amerika, Pilipinas at iba pang bansa sa nakalipas na apat na dekada. | ulat ni Jaymark Dagala