12,000 job vacancies, iaalok sa job seekers sa Region 1 sa gagawing job fair sa May 1

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ang lahat ng indibidwal na naghahanap ng trabaho na makibahagi sa mga job fair na gaganapin sa apat na lalawigan sa rehiyon sa darating na Mayo 1, Araw ng mga Manggagawa.

Ayon sa kagawaran, anim na malalaking job fair ang idaraos sa rehiyon partikular sa PNP Grand Stand, Camp Diego Silang, San Fernando City, La Union; sa isang mall sa San Nicolas, Ilocos Norte; Provincial Farmers Livelihood Development Center, Vigan City, Ilocos Sur; Pangasinan PESO, Capitol Complex, Lingayen, Pangasinan; sa isang mall sa Dagupan City at sa isa pang mall sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ipinaliwanag ng DOLE-Region 1, na mas mabuti kung mag pre-register ang mga jobseeker upang mas maging maayos ang kanilang paghahanap ng trabaho.

Maaaring magrehistro ang job hunters sa link na makikita sa Facebook page ng DOLE-Region 1.

Iniimbitahan din ng kagawaran ang mga employer na naghahanap ng manggagawa na makibahagi sa mga naturang job fair. | ulat ni Glenda B. Sarac, Radyo Pilipinas Agoo

📷DOLE-Region 1

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us