Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nasa 13 mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nagpatupad ng alternative delivery mode ng klase dahil sa mainit na panahon.
Sa ilalim ng alternative delivery mode, maaaring ipagpatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang klase sa pamamagitan ng online o modular.
Batay sa inilabas na mensahe ng DepEd as of April 1, kabilang sa mga lugar na nagpatupad ng alternative delivery mode:
Region 1
1. Dagupan City (April 2-4)
Region 6
1.Iloilo City
2.Roxas City
3.Kabankalan City
4.Silay City
5. Guimaras
6. Himamaylan City
7. Dumangas sa Iloilo at
8. Bago City
Region 9
1. Pagadian City Pilot School at
2. Buenavista Integrated School
Region 12:
1. Munisipalidad ng Banga at
2. Munisipalidad ng Tantangan
Matatandaang pinapayagan ng DepEd ang mga paraalan na magpatupad ng alternative delivery mode ng klase kapag hindi na kaaya-aya ang learning environment sa mga paaralan dahil sa mainit na panahon. | ulat ni Diane Lear