Nasagip ng mga awtoridad ang 14 na mga biktima ng human trafficking sa daungan ng Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon kay Police Maj. Gen. Jonnel Estomo, hepe ng Area Police Command-Western Mindanao (APC-WM), ang grupo ng potential human trafficking victims ay na-rescue nang matanggap ng mga awtoridad ang impormasyon na may mga indibidwal na nagbibyahe papuntang Malaysia sa pamamagitan ng “backdoor channel” sakay ng commercial ferry na galing sa Zamboanga City.
Aniya, ang mga indibidwal ay papuntang Kota Kinabalu, Malaysia, at hiningian ang mga ito ng legal document, hindi naman nila maibigay.
Dinala ang mga biktima sa Bongao Local Committee on Anti-Trafficking, sa kolaborasyon ng Ministry of Social Welfare and Development Office ng BARMM para sa angkop na pag-asikaso.
Ayon kay Gen. Estomo, kasalukuyang isinasagawa ng Tawi-Tawi Police Provincial Office, kasama ang ibang concerned government agencies, ang pagpapauwi ng mga biktima sa kani-kanilang mga lugar.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay