Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) Director Police Major General Bernard Banac na nakahanda na ang 156 na SAF troopers para lumahok sa Balikatan Exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US military.
Ayon kay Major General Banac, ang taunang pagsasanay na pormal na magbubukas ngayong Lunes, ay magandang pagkakataon para mag-obserba at makakuha ng karanasan sa mga operasyon sa dagat, langit at lupa, command control, at cybersecurity.
Sinabi ni Banac na bilang rapid-deployment Force ng PNP, mahalaga ang partisipasyon ng SAF sa mga pagsasanay katulad ng Balikatan para mapahusay ang kanilang kahandaan sa internal security operations, counter terrorism, at humanitarian activities.
Magiging pagkakataon din aniya ito para itanghal ang kasanayan ng SAF sa rapid deployment at “precision operations.” | ulat ni Leo Sarne