Nasakote ng mga kawani Bureau of Immigrations (BI) ang aabot sa 16 na Vietnamese nationals na nagtangkang pumasok sa bansa at pinaghihinalang magtatrabaho sa mga sinasabing iligal na mga online gaming hub.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nagiging trend ngayon ang pagpasok ng mga foreign national sa bansa bilang mga turista pero pagpasok dito sa Pilipinas ay papasok sa mga iligal na trabaho.
Sa pahayag ng BI, inaresto ang mga nasabing dayuhan dahil hindi umano nito alam ang mga lugar na pupuntahan dito sa bansa.
Maliban dito, may lima pang Chinese men at apat na iba pang indibidwal ang hinarang ng BI dahil sa kahinahinalang mga layunin nito sa paglalakbay.
Ipinag-utos naman ni Tansingco ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga ports ng bansa matapos ang mga ulat ukol sa human smuggling syndicates.| ulat ni EJ Lazaro