Pagpapalawig sa RTL na may mga pagbabago, sinusuportahan ni DA Secretary Laurel

Suportado ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang mungkahing pagpapalawig sa Rice Tariffication Law (RTL) na may kasamang pagbabago sa ilang probisyon. Sinabi ni Laurel, na walang duda na kailangan itong palawigin subalit kailangang may baguhin upang mai-angkop ito sa panahon partikular sa usapin ng modernisasyon. Inihayag ng kalihim, na isa sa mga nais… Continue reading Pagpapalawig sa RTL na may mga pagbabago, sinusuportahan ni DA Secretary Laurel

Ikinasang dalawang araw na tigil-pasada ng grupong Manibela at Piston, di naging matagumpay – DOTr

Hindi naging matagumpay ang isinagawang dalawang araw na transport strike ng grupong Manibela at Piston. Ito ang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) matapos makaranas ng pagbigat ng trapiko sa ilang lugar bunsod ng kilos-protesta. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, naging matagumpay lamang ang naturang mga grupo sa paglikha ng trapiko. Gayunpaman, napatunayan naman… Continue reading Ikinasang dalawang araw na tigil-pasada ng grupong Manibela at Piston, di naging matagumpay – DOTr

Deadline para sa ACOP Compliance ng retired pensioners para sa buwan ng April, ipinaalala ng SSS

Nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga retired pensioner na magsumite na ng kanilang Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) Compliance bago matapos ang deadline ngayong buwan ng Abril. Partikular na tinukoy ng SSS ang mga pensioner na nakatakda para sa ACOP ngayong buwan.  Kailangan nilang magsumite upang magtuloy-tuloy ang pagtanggap ng kanilang monthly… Continue reading Deadline para sa ACOP Compliance ng retired pensioners para sa buwan ng April, ipinaalala ng SSS

Sen. Estrada: Hindi tama ang panawagan ni Rep. Alvarez na pagbawi ng suporta sa administrasyon

Para kay Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada, hindi tama ang naging panawagan ni Rep. Pantaleon Alvarez sa militar na bawiin na ang suporta para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang naging panawagan ni Alvarez ay kaugnay ng hindi nito pagsang-ayon sa nagiging paraan ng paghawak ni Pangulong Marcos sa usapin… Continue reading Sen. Estrada: Hindi tama ang panawagan ni Rep. Alvarez na pagbawi ng suporta sa administrasyon

Bagong suplay ng license cards na na-deliver sa LTO, makatutulong na mapunan ang backlogs sa lisensya, ayon sa DOTr

Photo courtesy of Land Transportation Office

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na makatutulong na mapunan ang mga backlog sa lisensya sa pagmamaneho matapos na dumating ang mga bagong supply ng license card. Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista. Aniya, mapupunan ng dumating na 600,000 na license cards ang mga backlog sa lisensya noong nakaraang taon. Bukod pa ito… Continue reading Bagong suplay ng license cards na na-deliver sa LTO, makatutulong na mapunan ang backlogs sa lisensya, ayon sa DOTr

Panawagan sa AFP na bumitiw sa pagsuporta sa Pangulo, walang hahantungan – Sec. Teodoro

Walang hahantungan ang panawagan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumitiw sa pagsuporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang inahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kasunod ng naturang panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, dahil umano sa lumalalang iringan ng Pilipinas at China sa West… Continue reading Panawagan sa AFP na bumitiw sa pagsuporta sa Pangulo, walang hahantungan – Sec. Teodoro

Mas mainit na panahon, mararamdaman sa Metro Manila sa May – PAGASA  

Mas titindi pa raw ang init ng panahon sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo ngayong taon, batay sa nararamdamang init ng panahon sa bansa. Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Chief Dra. Ana Solis, sa Metro Manila pa lamang maaaring tumindi pa ang init ng panahon dahil sa epekto ng… Continue reading Mas mainit na panahon, mararamdaman sa Metro Manila sa May – PAGASA  

Sen. Pimentel, iginiit na dapat ilayo ang militar sa usaping pulitikal

Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez na ilayo ang militar mula sa usaping politikal. Ang panawagan ng senador ay kaugnay sa panghihimok ni Alvarez sa lahat ng mga pulis at sundalo na bawiin ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Hindi sinang-ayunan ni… Continue reading Sen. Pimentel, iginiit na dapat ilayo ang militar sa usaping pulitikal

Meralco, mahigpit na binabantayan ang sitwasyon sa supply ng kuryente matapos magtaas ng Yellow at Red Alert status ang NGCP

Mahigpit na tinututukan ng Manila Electric Company (Meralco) ang sitwasyon kaugnay sa supply ng kuryente ngayong araw. Ito ay matapos na magtaas ng Yellow Alert Status ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid mula 1 PM hanggang 2 PM, masusundan pa mamayang ng 4 PM hanggang 6 PM, at 9 PM… Continue reading Meralco, mahigpit na binabantayan ang sitwasyon sa supply ng kuryente matapos magtaas ng Yellow at Red Alert status ang NGCP

Pagpapalakas ng reserve force ng Philippine Navy, isinulong

Isinulong ng Department of National Defense (DND) at Philippine Navy ang pagpapalakas ng Naval Reserve Force, bilang hakbang tungo sa “integration and interoperability” nito sa mga regular na puwersa. Kabilang ito sa mga tinalakay sa pagpupulong nina Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Adm. Toribio Adaci Jr. at DND Assistant Secretary for Plans and Programs Henry… Continue reading Pagpapalakas ng reserve force ng Philippine Navy, isinulong