Muling nagpalaya ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) ang Bureau of Corections (BuCor) na nakapiit sa iba’t ibang kulungan sa bansa.
Kinabibilangan ito ng mga:
- nakatapos na ng kanilang hatol,
- napawalang sala,
- nabigyan ng parole, at
- nakapasa sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa datos ng BuCor, 168 ang pinalaya kahapon na karamihan ay galing New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Pagtititak ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na ito ay madadagdagan pa sa mga susunod na buwan na layuning paluwagin ang mga piitan at palabasin na ang mga kwalipikado nang lumaya.
Ang mga bagong layang PDL ay tumanggap ng cash assistance, grooming kit, transportation allowance, at iba pa.
Sa datos ng BuCor, mula noong magsimula ang administrasyon ni Director General Catapang noong 2022, umabot na sa 9,813 ang napalaya ng BuCor, at madadagdagan pa ito sa mga susunod na buwan. | ulat ni AJ Ignacio