Dalawang barko ng People’s Liberaton Army Navy (PLAN) ang namonitor sa bisinidad ng pinagdarausan ng multilateral maritime exercise sa Palawan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command Spokesperson Captain Ariel Coloma, na-monitor kahapon ng umaga ang barko ng PLAN na may bow number 578 sa bisinidad ng San Vicente, Palawan.
Ito’y nasa layong pito hanggang walong milya mula sa mga barko ng Pilipinas, Estados Unidos, at Pransya na magkakasama sa Multilateral Maritime Exercise.
Nauna rito, na-monitor naman aniya noong Sabado ang barko ng PLAN na may bow number 793, pero nawala na kahapon.
Ayon kay Coloma, wala mamang ginawang mapanghamong pagkilos ang mga barko ng China, at wala ding untoward incident.
Ngayon ang huling araw ng limang araw na Multilayers Maritime Activity sa Palawan at West Philippine Sea na nilahukan ng BRP Ramon Alcaraz (PS-16) at BRP Davao Del Sur (LD-602) ng Philippine Navy, USS Harpers Ferry (LSD-49) ng U.S. Navy, at FS Vendemiaire (FFH-734), ng French Navy. | ulat ni Leo Sarne