20 priority bills ng administrasyon, target maipasa ng Senado bago matapos ang 2nd regular session ng Kongreso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri na maipapasa ng Senado ang nasa 20 priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago matapos ang 2nd regular session ng 19th Congress ngayong Hunyo.

Sa pagbabalik sesyon ng Senado ngayong araw, tiwala si Zubiri na on-track ang Mataas na Kapulungan at matutupad nila ang commitment na maipasa pa ang ibang priority bills bago matapos ang taon.

Kabilang aniya sa mga panukalang batas na nakahanda nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) bill.

Idinagdag rin ng Senate President, na naaprubahan na ang bicameral report ng panukalang Philippine Maritime Zones Act, ang panukalang pagtatatag ng Negros Island Region, at ang Real Property Valuation and Assessment Reform bill.

Sa update ng senador, apat sa 20 panukalang batas ay malapit nang maisabatas habang ang iba ay nakatakda na para sa pag apruba ng bicam committee, second o final reading o naghihintay ng committee approval.

Tiwala si Zubiri na matatapos nila ang deliberasyon ng mga panukalang ito bago ang kanilang sine die adjournment o session break bago ang SONA. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us