Water stations, itinayo ng PRC at Valenzuela LGU sa ilang lugar sa lungsod dahil sa matinding init

Nagtulungan ang Philippine Red Cross (PRC) at Lokal na pamahalaan ng Valenzuela upang magtayo ng mga water station sa ilang lugar sa lungsod. Layon nitong tulungan ang mga commuter, empleyado, at estudyante na nakararanas ng matinding init. Kabilang sa mga lugar na nilagyan ng mga water station ang kahabaan ng Puregold Dalandanan sa may Malanday… Continue reading Water stations, itinayo ng PRC at Valenzuela LGU sa ilang lugar sa lungsod dahil sa matinding init

Kamara, nakahanda para sa marathon hearing ukol sa malaking pagkakaiba ng farm gate at retail price ng basic commodities

Suportado ng mga mambabatas ang ipinatawag na pagdinig ni Speaker Martin Romualdez upang tukuyin kung bakit may malaking pagkakaiba sa farm gate at retail price ng mga basic commodity. Ayon mismo kay Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon na bahagi ng ‘Young Guns’ ng Kamara, hindi uupuan ng House leadership ang ganitong kalakaran na nagpapahirap… Continue reading Kamara, nakahanda para sa marathon hearing ukol sa malaking pagkakaiba ng farm gate at retail price ng basic commodities

Lalawigan ng Bulacan, idineklara nang bird-flu free ng Department of Agriculture

Idineklara ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na wala ng kaso ng avian influenza o bird flu, sa buong probinsya ng Bulacan. Partikular na iyong H5N1 strain na lubhang nakakahawa. Ayon kay Secretary Laurel, ang deklarasyon ay kasunod ng mahigit 90 araw nang matapos ang cleaning at disinfection activities, at makapagsagawa ng surveillance na… Continue reading Lalawigan ng Bulacan, idineklara nang bird-flu free ng Department of Agriculture

Imbestigasyon sa sinasabing leak sa confidential information ng PDEA at ROTC bill, kabilang sa mga prayoridad ng mga kumite ni Sen. Bato dela Rosa

Binahagi ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Bato dela Rosa na bibigyang prayoridad ng kanyang kumite na mabusisi ang sinasabing ‘PDEA leaks’ o ang pag-leak ng mga confidential information ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbabalik ng kanilang sesyon simula sa Lunes. Manghihingi rin aniya ang senador ng update… Continue reading Imbestigasyon sa sinasabing leak sa confidential information ng PDEA at ROTC bill, kabilang sa mga prayoridad ng mga kumite ni Sen. Bato dela Rosa

‘Young Guns’ ng Kamara, kinondena ang pagpapakalat ng deepfake ni PBBM

Mariing kinondena ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara ang kumalat na audio deepfake ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa naturang pekeng audio, ginaya ang boses ng Pangulo na tila inuutusan ang militar na labanan ang isang partikular na bansa. Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, isang mapanlinlang… Continue reading ‘Young Guns’ ng Kamara, kinondena ang pagpapakalat ng deepfake ni PBBM

PNP, pinaalalahanan ni Sen. Pia Cayetano na hulihin ang mga gumagamit ng vape sa mga indoor public spaces

Hinimok ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Senadora Pia Cayetnao ang Department of Health (DOH) na makipag-ugnayan sa Philippine National Police kaugnay ng pagbabawal ng paggamit ng mga vape sa mga indoor public spaces. Binigyang diin ni Cayetano na nakasaad sa Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act na bawal… Continue reading PNP, pinaalalahanan ni Sen. Pia Cayetano na hulihin ang mga gumagamit ng vape sa mga indoor public spaces

Sen. JV Ejercito, naghain ng resolusyon para maimbestigahan na sa Senado ang napaulat na sabwatan ng ilang doktor at pharma companies sa pagrereseta ng mga gamot

Naghain na si Senador JV Ejercito ng resolusyon para makapagkasa ng Senate inquiry tungkol sa napapaulat na nangyayaring ‘pyramid scheme’ na kinasasangkutan ng mga doktor at mga pharmaceutical company. Una nang napaulat na ilang pharma companies ang nagre-recruit ng mga doktor para ireseta sa mga pasyente ang kanilang mga produkto, kapalit naman nito ay binibigyan… Continue reading Sen. JV Ejercito, naghain ng resolusyon para maimbestigahan na sa Senado ang napaulat na sabwatan ng ilang doktor at pharma companies sa pagrereseta ng mga gamot

Pagbabalik ng work from home set-up, itinutulak para protektahan ang mga manggagawa sa matinding init

Humirit ngayon si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na ibalik ng gobyerno at pribadong sektor ang work from home set-up. Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang mas matinding init ng panahon na posibleng pumalo pa ng hanggang 52 degrees Celsius ayon na rin sa weather bureau. Ayon kay Villafuerte, nakapaloob naman sa Telecommunicating… Continue reading Pagbabalik ng work from home set-up, itinutulak para protektahan ang mga manggagawa sa matinding init

Mga eligible na benepisyaryo ng 4Ps, maaari nang makuha ang kanilang cash grants – DSWD

Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaari nang makuha ng mga eligible na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kanilang cash grants, sa pamamagitan ng ATM cards sa mga sangay ng Land Bank o sa mga accredited merchant nito. Ito ang sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response… Continue reading Mga eligible na benepisyaryo ng 4Ps, maaari nang makuha ang kanilang cash grants – DSWD

Trabaho ng pamahalaan sa Batangas Port Passenger Terminal, di natatapos sa inagurasyon nito – Pangulong Marcos Jr.

Hindi pa natatapos ang trabaho ng pamahalaan at mga kabalikat nito, sa pagsasakatuparan ng Batangas Port Passenger Terminal Building. Sa inagurasyon ng proyekto ngayong hapon (April 26), sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang tunay na tagumpay sa proyektong ito ay ang pagmi-mentina at pangangalaga dito. “Today, we are inaugurating the bigger and… Continue reading Trabaho ng pamahalaan sa Batangas Port Passenger Terminal, di natatapos sa inagurasyon nito – Pangulong Marcos Jr.