Kanselado ang tatlong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dahil sa masamang panahon sa Dubai.
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 659 na biyaheng Dubai papuntang Maynila.
Gayundin ang mga biyahe ng Cebu Pacific Air flight 5J 015 at 5J 014 na biyaheng Dubai papuntang Maynila, at Maynila papuntang Dubai.
Kaugnay nito, nagpaalala ang MIAA sa mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company hinggil sa refund o rebooking ng kanilang biyahe. | ulat ni Diane Lear