3 flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ang tatlong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dahil sa masamang panahon sa Dubai.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 659 na biyaheng Dubai papuntang Maynila.

Gayundin ang mga biyahe ng Cebu Pacific Air flight 5J 015 at 5J 014 na biyaheng Dubai papuntang Maynila, at Maynila papuntang Dubai.

Kaugnay nito, nagpaalala ang MIAA sa mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company hinggil sa refund o rebooking ng kanilang biyahe. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us