Na-nutralisa ng militar ang tatlo (3) mula sa pitong (7) miyembro ng Dawlah-Islamiyah Maute Group sa nangyaring bakbakan nitong Sabado, Abril 13 sa Barangay Lindongan, Munai, Lanao del Norte.
Samantala, isang (1) militar naman ang nagtamo ng sugat at nasamsam ang tatlong M14 rifle mula sa pinangyarihan ng naturang engkwentro.
Ayon sa militar, kinilala ang mga na-nutralisa na sina alyas Nasser Daud, Mas’od, at Abu Jihad.
Sa pahayag ni 1st Infantry Division Commander Maj. Gen. Gabriel C. Viray lll, nagpapasalamat siya sa matagumpay na operasyon ng mga kasundaluhan bilang pangako ng pwersa ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad sa Lanao del Norte.
Nagpapatuloy pa rin ang pursuit operation upang sugpuin ang mga natitirang banta ng DI-Maute Group. | ulat ni Sharif Timhar | RP Iligan
📸: 1st Infantry “Tabak” Division, Philippine Army