Ilang mga opsyon ang binuksan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko sa gitna ng hindi humuhupang tindi at bigat sa daloy ng trapiko.
Sa latest vlog ng Chief Executive, inilahad nito ang ilang mga posibleng solusyon na maaaaring makabawas sa tumitinding problema sa traffic lalo na sa Metro Manila.
Ilan sa nabanggit na remedyo ng Pangulo ay ang pagpapatupad ng work from home na aniya’y ipinatutupad na rin naman sa ibang mga kumpanya at positibo naman ang resulta.
Naririyan din, ayon sa Pangulo, ang 4-day work week na isang paraan para di naman mabugbog ang mga empleyado sa trapiko.
Maaari din aniyang, magkaroon ng adjustment sa pagpasok at pag- uwi ng mga empleyado upang maiwasang sumabay sa tinatawag na rush hour.
Marami na aniyang bansa ang nagpapatupad ng mga nasabing hakbangin na maaaring makatulong sa ating problema sa trapiko. | ulat ni Alvin Baltazar