Naniniwala si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairperson at CEO Alejandro H. Tengco ‘on track’ ang kanilang ahensya na makapagtala ng P100 billion annual income ngayong 2024.
Paliwanag ni Tengco, sa unang tatlong buwan pa lang ng 2024 ay nakapagrehistro na agad ang state gaming firm ng P25.24 billion kung saan mas mataas ito ng 42.57% sa kaparehong panahon noong 2023.
Ayon kay Tengco, masaya sila sa patuloy na growth trajectory ng PAGCOR at inaasahan aniya niya na makakatulong ito sa kanila para makuha ang record breaking year.
Paliwanag ng PAGCOR, 43% ng nasabing kita nito ay nag mula sa e-games sector gaya ng e-bingo habang ang sa mga licensed casino naman nagmula ang 36.06% na kita ng PAGCOR.
16.62% naman ay nagmula sa mga PAGCOR-owned casinos sa ilalim ng Casino Filipino brand at nasa 3% naman ang galing sa POGO.
Dagdag ni Tengco na ang magandang kita ng PAGCOR ay makakatulong sa iba’t ibang socio-economic program ng pamahalaan kabilang na ang pagpondo sa Universal Healthcare Program. | ulat ni Lorenz Tanjoco