Isinagawa ng Bureau of Corrections (BOC) ang paglipat ng 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City patungo sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa sa Palawan.
Ang nasabing paglipat ng mga PDL ay bahagi ng programa ng pamahalaan na i-decongest ang mga bilangguan partikular ng sa NBP.
Ayon kay BOC Director General Gregorio Catapang Jr., kabilang sa mga nai-transfer ay ang 200 PDL’s mula sa Reception and Diagnostic Center, habang tig-150 naman mula sa maximum at medium security sections.
Nasa 147 correction officers naman ang tumulong sa pag-escort sa mga inilipat na PDLs na pinamunuan ni CINSP Roberto Butawan katuwang ang tulong mula sa Muntinlupa Philippine National Police Highway Patrol Group at Skyway Patrol.
Maliban sa pagtugon sa siksikan sa mga bilangguan, mapapalakas din ng isinagawang paglipat ng mga PDL ang agricultural workerforce sa Iwahig Prison.| ulat ni EJ Lazaro