Na-repatriate na sa bansa ang anim na Pinoy na sinasabing nabiktima umano ng isang sindikato ng cryptoscam sa Myanmar.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, kabilang sa huling nakauwi ng Pilipinas ay kinabibilangan ng apat na lalaki at dalawang babae na umalis ng bansa bilang mga turista noong 2023 ngunit mga biktima na pala ng human trafficking schemes.
Ito ay sa kabila ng mga paaalala ng BI sa mga scam pero patuloy pa rin na pinapatulan ng mga Pilipino para magtrabaho ng iligal sa nasabing lugar.
Nagpahayag din ng pagpapaalala ang Interpol sa mga gang sa Timog-silangang Asya na nagpapatakbo ng mga online romance scams center kung saan karamihan ng biktima ay mula sa Pilipinas.
Binigyan-diin naman ni Commissioner Tansingco ang lumalalang krisis at hinimok ang mga Pilipino na iwasan ang mga job offers na tila too-good-to-be-true.
Sabay paghimok sa lahat na iwasang ilagay sa panganib ang kanilang buhay at huwag na maging susunod na biktima ng ganitong mga panloloko.
Kaugnay ito ng mga na-repatriate ng mga biktima na nakaranas ng mga pang-aabusong pisikal at sikolohikal na nagpapakita ng panganib ng mga iligal na gawain tulad nito.| ulat ni EJ Lazaro