Nagtala ng $689 milyon na ‘net inflows’ investment ang Pilipinas sa buwan ng Pebrero.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay mula sa $1.5 billion gross inflows at $859 milyon na gross outflows noong Pebrero.
Ang short-term portfolio investment o mas kilala bilang “hot money” dahil sa madaling pagpasok at paglabas ng pondo sa Philippine Market ay karaniwang investment sa mga listed securities ng Philippine Stock Exchange, peso-denominated government securities, peso time deposits sa mga bangko na may minimum term na 90 days at iba pa.
Ang net inflows sa naturang buwan ay foreign investors mula sa mga United Kingdom, Singapore, United States, Luxembourg at Hongkong na may combine share na 89.1 percent.
Ang bansang Amerika naman ang nanatiling “top destination” outflows ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes