Pumalo sa “danger” level ang heat index o “init factor” sa pitong lugar sa bansa ngayong araw, Abril 3, 2024.
Sa ulat ng PAGASA Weather Bureau, naramdaman ang pinakamainit na panahon sa Dagupan City, Pangasinan, Dumangas, Iloilo at Catarman, Northern Samar na may heat index na 43 degrees celcius.
Ang heat index na 42 hanggang 51 degrees celcius ay maaaring magdulot ng “heat cramps” at “heat exhaustion” at posibleng heat stroke.
Naitala naman ang heat index na 42 degrees celcius sa Sangley Point, Cavite, Puerto Princesa City, Palawan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur at Cotabato City sa Maguindanao.
Samantala, naramdaman din ang mainit na panahon o alinsangan sa NAIA, Pasay City na may heat index na 40 degrees celcius at sa Science Garden,sa Quezon City na may init factor na 38 degrees celcius.
Bukas, asahan pang maramdaman ang matinding init ng panahon sa ibat-ibang panig ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer