Nagtutulungan ang Armed Forces of the Philippines at Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC sa imbestigasyon ng umano’y recruitment ng mga sundalong Pinoy bilang part-time analysts online ng Chinese firms.
Ayon kay AFP Spokesperon Col. Francel Margareth Padilla, bagamat tinake-down na ang social media page kung saan naka-post ang recruitment ad, nakakuha ang AFP ng screenshots ng mga sumubok na mag-apply online.
Ngunit hindi pa rin umano nila matukoy kung miyembro ng AFP ang ilan sa nag comment sa social media page.
Nagpaalala naman ang AFP sa kanilang hanay na maging maingat at manatiling professional. | ulat ni Leo Sarne