Binati ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang Zamboanga del Sur sa kanyang pagdalo sa pagdiriwang ng ika-3 anibersaryo ng pagiging insurgency-free ng lalawigan, kahapon (Abril 21).
Kasama ni Gen. Brawner na dumalo sa programa sa Provincial Government Center, Barangay Dao, Pagadian City sina Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., Zamboanga del Sur Governor Victor J Yu, 1st District Representative Divinia Grace Yu, at Philippine Army First Infantry Division Commander Major General Gabriel Viray III.
Sa kanyang pahayag, pinuri ni Gen. Brawner ang “collective effort” ng lahat ng sektor na nagresulta sa pagwawakas ng insurhensya sa lalawigan.
Hinimok naman ni Gen. Brawner ang lahat ng mga komunidad na makiisa din sa ‘whole -of-nation approach’ para mapangalagaan ang soberanya at teritoryo ng bansa mula sa panlabas na banta. | ulat ni Leo Sarne
📷: SSg Rey Ambay PA/PAOAFP