Ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang kanyang pakikidalamhati sa mga mahal sa buhay ng dalawang pilotong nasawi sa pagbagsak ng Robinsons R22 helicopter ng Philippine Navy kahapon sa Cavite City.
Ang dalawang nasawing piloto na sina Lt. Jan Kyle Borres, PN at Ensign Izzah Taccad, PN, ay pagkakalooban ng arrival honors sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw.
Samantala, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na bumuo na kahapon ng investigation team mula sa Naval Air wing para tukuyin ang naging sanhi ng pagbagsak ng helicopter.
Ang bumagsak na helicopter ang nag-iisang natira mula sa dating 2 na Robinson R22 helicopter ng Phil. Navy. | ulat ni Leo Sarne