Nagsimula nang dumating sa Palawan ang ibat-ibang military equipment na gagamitin sa dalawang linggong Balikatan Exercises na pasisimulan na bukas.
Ayon sa AFP Western Command (WESCOM), kanila nang inihahanda ang logistics na gagamitin sa operational area ng Balikatan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kabilang sa gagawing aktibidad sa Palawan ay ang field training exercises, combined joint all domain operations, maritime key terrain security-high mobility artillery rockets system rapid insertion operations, at multi-national maritime exercises.
Layon nitong palakasin ang kakayahan at ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa panahon ng krisis.
Una nang inanunsyo ng AFP na ang balikatan ay lalahukan ng ng 16,000 sundalo ng Pilipinas at Estados Unidos at gagawin sa iba’t ibang bahagi ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer