Tiniyak ni Philippine Navy Public Affairs Office Director, Commander John Percie Alcos na sumasailalim sa regular na inspeksyon at maintainance ang kanilang mga sasakyang panghimpapawid para masiguro ang “airworthiness” ng mga ito.
Ang pahayag ay ginawa ni Alcos kasunod ng pagbagsak kahapon ng Phil. Navy Robinsons R22 training helicopter na ikinasawi ng dalawang pilotong sina Lt. Jan Kyle Borres, PN at Ensign Izzah Taccad, PN.
Ang bumagsak na helicopter ang nag-iisang natira mula sa dating 2 na Robinson R22 helicopter ng Phil. Navy.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Phil. Navy na pagkakalooban ng kaukulang tulong ang mga pamilya ng dalawang pilotong nasawi.
Kasabay ng pagpapabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng biktima, tiniyak ng Phil. Navy ang masusing imbestigasyon para madetermina ang sanhi ng aksidente upang maiwasan na maulit. | ulat ni Leo Sarne
PHOTO Courtesy of Phil. Navy