Wala muling face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City dahil sa inaasahang mataas na heat index ngayong araw.
Sa abiso ng LGU, awtomatikong ipatutupad ngayon ang Alternative Delivery Modes of Learning (synchronous/asynchronous) sa mga estudyante.
Ayon kasi sa datos ng iRISE-UP, maaaring umabot sa 40°C ang heat index sa susunod na 24-oras, na may babalang Extreme Caution.
Sa memo na inilabas ng QC Division of City Schools, alinsunod sa memorandum ng Department of Education (DepEd) tungkol sa matinding init ng panahon, maaaring lumipat mula face-to-face classes patungo sa Alternative Delivery Modes ang mga pampublikong paaralan kapag mataas ang heat index.
Samantala, pinauubaya pa rin sa mga pribadong paaralan ang pagpapasya kaugnay sa pagpasok ng mga bata, ngunit hinihikayat na sundin ang mga pambansa o lokal na anunsyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa