Sumadsad pa sa mababang lebel ang tubig sa Angat Dam ngayong umaga dahil sa kawalan ng mga pag-ulan.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division hanggang alas otso kaninang umaga, bumaba pa sa 188.81 meters ang water elevation ng dam.
May pagitan na lamang na 8.81 meters ang water level ng dam mula sa minimum operating level na 180 meters.
Malayo na ang ibinaba ng lebel ng tubig ng Angat dam mula sa 212 meters na normal high water level nito.
Ang Angat Dam ang pangunahing source nang tubig na nagsusuplay sa Metro Manila .
Samantala, napapanatili naman ang antas ng tubig sa Ipo Dam na nasa 99.77meters, habang 75.32 meters ang water elevation ng La Mesa Dam na mababa kumpara sa water level kahapon.| ulat ni Rey Ferrer