Anti wang-wang bill, inihain sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang panukalang batas na magbabawal sa hindi otorisadong paggamit at pagbebenta ng mga wang-wang o sirena, blinkers at iba pang signaling devices sa mga sasakyan.

Ayon kay Villanueva, inihain niya ang panukalang ito alinsunod na rin sa ibinabang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa paggamit ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno ng mga signaling devices.

Sa inihaing Senate Bill 2635 ng senador o ang Anti wang-wang act, binigyang diin na ang maling paggamit ng mga emergency light at audio accessories ay nagdudulot ng road safety concern, at nakakasira sa tiwala ng publiko.

Sa ilalim ng panukala, isinusulong na mapatawan ng multang mula P1,000 hanggang P5,000 na may posibilidad ng isang taong pagkansela ng driver’s license ng sinumang lalabag sa itinatakda ng ipinapanukalang batas.

Habang ang mga manufacturer, distributor, importer, retailer at seller na magbebenta ng emergency accessories sa mga hindi otorisadong magkaroon nito ay papatawan ng P50,000 to P100,000 na multa sa kada benta nila.

Iminamandato rin ng panukala, ang pagkakaroon ng awareness campaign tungkol sa legal na paggamit ng emergency accessories, at ang mga parusa sa paglabag dito.

Nilinaw rin dito, na ang mga sasakyang nakatalaga para sa official use lang ng Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Bureau of Corrections, Bureau of Jail Management and Penology, at iba pang law enforcement agencies ang exempted sa coverage ng batas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us