Nanawagan si Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera para sa kagyat na pagsasabatas ng panukala para sa automated cashless toll collection.
Sa gitna ito ng mabigat na daloy ng trapiko na naranasan sa expressways nitong Holy Week.
Sa ilalim ng House Bill 8161 ng mambabatas itinutulak ang pagkakaroon ng makabagong toll systems gaya ng Open Road Tolling at Multi-Lane Fast Flow (MLFF), para mapadali ang pagbabayad ng toll fee na hindi na kailangan pang huminto ng mga sasakyan sa toll booth basta’t may gumaganang Radio-Frequency Identification (RFID).
Sa paraan aniyang ito ay mapapabilis ang daloy ng trapiko.
Inihalimbawa nito na sa bansang Taiwan, dahil sa MLFF system, hindi na kailangang magbagal ng takbo ng sasakyan.
“In Japan, China, Korea, Singapore, and Hong Kong, vehicles slow down to around 40 to 60 kilometers per hour. In Taiwan, there’s no need to reduce speed due to MLFF,” sabi ng kinatawan.
“Besides being a major inconvenience for drivers, our country lags behind in tollway speed, as we’re the only ASEAN nation mandating a complete stop on supposed expressways… Automated cashless toll collection is more than just a convenience, it’s a way to reduce traffic congestion, especially during peak holiday seasons,” dagdag ni Herrera.
Kasama rin sa kaniyang panukala na patawan ng parusa ang mga hindi magbabayad ng toll fee.
Ang mga multang makokolekta dito, ilalaan sa maintenance at road safety sa mga expressways. | ulat ni Kathleen Jean Forbes