Sinibak na sa pwesto ng Office of the Ombudsman si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Demosthenes Escoto.
Ito’y matapos mapatunayang guilty sa kasong katiwalian sa pagbili ng BFAR ng communications equipment noong 2018.
Dahil dito, nagtalaga na ng bagong pinuno ng BFAR si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. matapos matanggap ang kautusan ng Ombudsman.
Itinalaga niya si Isidro Velayo, Jr. bilang Officer-in-Charge ng BFAR kapalit ni Escoto.
Si Velayo ay Director IV at Assistant Director for Technical Services, at isang career professional at respetadong opisyal ng BFAR.
Dati siyang National Coordinator ng Seaweed Program ng BFAR at dating Regional Director sa Zamboanga Peninsula.
Samantala, maaari pang i-apela ni Escoto sa Court of Appeals ang desisyon ng Ombudsman. | ulat ni Rey Ferrer