BI, sinisiguro ang pagsipa sa sex offenders na magtatangkang pumasok sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na determinado sila na i-ban sa bansa ang sex offenders na nagtatangkang pumasok dito. 

Nag-ugat ang pahayag ni Tansingco matapos maharang ng kanyang mga tauham ang isang American Australian National na pidopilya, at may patong-patong na kaso ng sex offenses sa Estados Unidos. 

Ayon kay Tansingco, isang successful accomplishment ang pagkakaharang sa nasabing dayuhan pagdating sa kanilang kampanya laban sa mga sexual predator na nagtatangkang pumasok sa Pilipinas. 

Giit nito bilang bahagi ng kanilang #Shieldkids campaign, nakikipag-coordinate ang BI sa kanilang mga international counterpart para maharang ang mga papasok na foreign sex offender. 

Paliwanag ni Tansingco, ang presensya ng nasabing sex offenders ay malaking banta para sa seguridad ng mga babae at kabataan sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us