Siniguro ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing kampanya laban sa human trafficking.
Nag-ugat ang pahayag ni Tansingco matapos mailigtas ng kanyang mga tauhan ang apat na kababaihan na iligal na pagtatrabahuin sana sa Tsina bilang mga waitress.
Ayon kay Tansingco ang human trafficking ay isang ‘heinous crime’ na tinatarget ang mga nasa pinakababang miyembro ng lipunan.
Giit ng opisyal na walang sawa nilang tututukan ang nasabing mga kriminalidad at gagawin ang lahat para mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng mga ito.
Sa ngayon, ang nasabing mga biktima ay na i-turn over na sa Inter-agency Council Against Trafficking para sa karagdagang tulong habang ang recruiter ng mga ito ay inirekomenda nang i-blacklist. | ulat ni Lorenz Tanjoco