Big tickets na transport project ng pamahalaan, makatutulong na maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila – DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na ang konstruksyon ng mga transport infrastructure project ng pamahalaan gaya ng ginagawang mga railway system ang nakikitang permanenteng solusyon sa problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni Bautista sa isinagawang Bagong Pilipinas Townhall Meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw.

Ayon sa kalihim, ang mga flagship road at rail infrastructure project ng Department of Transportation (DOTr) ay makapagbibigay ng komportable, maayos, at accessible na pampublikong transportasyon.

Mas maganda aniyang alternatibo ito sa may mga sasakyan upang mabawasan ang gumagamit ng mga kalsada.

Kabilang sa mga big-ticket na proyekto ng DOTr ang MRT-7, LRT-1 Cavite Extension, Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway System, PUV Modernization Program, at pagpapabuti ng EDSA Busway at EDSA Greenways Project.

Himinok naman ng Transport chief ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na magtulungan para mapabilis ang konstruksyon ng naturang mga proyekto. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us