Nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang biktima ng human trafficking kasama ang sinasabing asawa nito sa NAIA terminal 1 matapos magtangka itong lumabas ng bansa.
Ayon sa BI, nagpakita naman ng mga dokumento ang nasabing biktima subalit taliwas ang mga ito sa mga detalyeng ibinabahagi sa immigration officials.
Taliwas sa nakalagay sa marriage certificate nito, sinabi ng babae na siya ay ikinasal sa isang travel agency sa Maynila.
Ayon sa BI, ito ay isang uri ng mail-order-bride scheme.
Dito na umamin ang biktima na nagbayad sila ng P100,000 para lang makuha ang nasabing marriage certificate.
Paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang isang mail-order-bride scheme ay nangyayari kapag ang isang babae ay pinangakuan ng magandang buhay abroad pero pagtatrabahuin bilang domestic workers na mayroong maliit o minsan ay walang mga sweldo.
Ang mag-asawang biktima ay nai-turn over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karagdagang imbestigasyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco